Tuesday, October 9, 2012

Dalawang Magkaibang Pag-Ibig

May proyekto ako sa FILIPINO11 ngayong pangalawang termino ng taong 2012-2013. Kailangan namin gumawa ng 4 na taludtod at 4 na saknong na tula tungkol sa mga paksang ibibigay ng aming propesor at pipili lamang ng isa. Ang paksang aking pinili ay pag-ibig 
(Ano pa nga ba). At ito ang aking tula. *BOW*

Para sa mga taong nagtitiis, sa mga walang humpay na pagmamahal kahit gaano pa kasakit, sa mga martyr, sa mga Abangers, sa mga nasasaktan dahil hindi IKAW ang kasintahan nila at nakikita mo silang nasasaktan at nahihirapan, sa mga taong patuloy na nagtatago ng kanilang tunay na nararamdaman.

Ang dahilan ng iyong kasiyahan
Ang dahilan ng iyong kalungkutan
Ano nga ba ang tunay na nararamdaman
Mananatili ka ba sa pagtuloy na kabiguan?


Bumangon ka, sumulong ka
Piliin mo kung ano ang tama
Piliin mo kung saan ka sasaya
Magiging balimbing ka nalang ba sa dalawa?


Sa bawat oras na lumilipas
Sa bawat alaalalang unti-unting kumukupas
Pag-ibig noon na nauuwi sa pagtawa
Ay ngayong laging nalulunod sa luha


Itigil mo na ang kalungkutang ito,
Napapagod na akong makita ang pagdusa mo,
Ang gusto ko lang ay maging malaya ka
Dahil alam kong liligaya ka sa iba.





-Christine Caberto, 2012

Tuesday, May 15, 2012

Luha


Naaalala mo ba yung huling beses na umiyak o lumuha ka? Ano ang dahilan nito? Masaya ba ito, malungkot, nakakainis, nakakatawa o ano? Madaming dahilan ang pagluha ng isang tao. Maaaring lumuha ka kasi nasugatan ka, naluha ka sa saya, sa sakit ng tyan mo, sa sobrang kati ng isang parte ng katawan mo pero hindi mo pwede kamutin kasi magsusugat, kapag may naaalala kang magandang alaala kasama ang isang matalik na kaibigan at marami pang iba. Madami. Sobrang dami. Posibleng hindi ko maiisip ang iba pero naiisip mo ngayon habang binabasa mo ito. Yung iniisip mo ba ngayon eh magandang alaala ba yan? O masamang alaala pero tinatawanan mo nalang ngayon kasi bata ka pa noon? Maraming beses na ako umiyak dahil nawalan ako ng mahal sa buhay. Nawalan ako ng pera (oo, mahirap mag-ipon), ng kapatid, ng aso, ng paboritong damit, at marami pang iba. Maaaring walang halaga sa’yo yung mga iba kong binanggit, pero sobrang mahalaga iyon sa akin tuwing naaalala ko. Pero naisip mo ba na yung mga bagay na iniyakan mo eh ang magbibigay ng lakas sa’yo para harapin ang bukas?

Masakit mawalan ng kapatid na babae, lalo na kung yung isa nasa malayo, yung isa wala na tapos may dalawa kang kapatid na lalake (Oo ako yun.) Kasi walang makakaintindi sa’yo kapag gusto mo ng girl talk tapos wala pa palagi nanay mo kasi madaming ginagawa sa trabaho. Natutuwa nga ako na madami akong ate ngayon eh. Mga ate ko sa Diyos. Sobrang marami akong natutunan sakanila, tungkol man yan sa anime o sa buhay. Sila Ate Ardee, Hannah, Micah, Yanee, Jabba, Ria, at Anna (kasama narin si Macky at si Chino, ang Ghost Sisters ng buhay ko). Ang sarap tumawa pagkasama mo sila. Parang walang bukas, makakalimutan mo ang realidad mo bilang estudyante o bilang empleyado ng isang malaking kompanya. Ang sarap nilang kausapin kasi gugustuhin at gugustuhin mo rin malaman kung ano ang mga iniisip nila, seryoso man yan o nakakatawa. Nawalan ako ng isang ate, pero pito (7) o higit pa ang dumating. Lumuluha parin ako hanggang ngayon, pero lumuluha na ako sa saya. O diba? Hindi mo gugustuhing maging normal pagkasama sila kasi ikaw mismo mababaliw kung bakit normal. Hahaha. Masarap mag girl talk kasama sila. Pramis. Hindi mo gugustuhing umuwi na hindi sila kasama.

Nawalan ako ng aso, Shih Tzu, lalake. Umiyak kami pareho ng kuya ko kasi may sakit siya. Inalagaan lang namin siya at dinadala sa Animal House sa Alabang para magmaintain ng gamut o anuman na kailangan niya. Nakakalungkot mawalan ng aso lalo na kung cute at malambing. Eh ngayon nga e, may mga aso kami ngayon. Oo, mga. Dalawa sila. Isang Labrador na itim (lalake) at isang walang kamatayang Shih Tzu na babae. San ka pa, di lang aso meron kami, ibon din. Love birds at tatlong pares ang nandito sa bahay! May tore na nga kami ng angry birds dito e. Tatlo na kulungan namin ng mga ibon dito sa bahay. Baboy na nga lang ang kulang para Angry Birds na e. O diba,  luluha nalang ako sa saya kasi pagtitripan  nalang namin yung mga alaga namin sa bahay kasama ko.

Kung iisipin mo, masakit nga mawalan pero nakakapagod lumuha ha? Hindi biro ang umiyak. Nakakapagod kaya humagulgul tapos pagkatapos mo umiyak magang maga mata mo. O diba pagharap mo sa salamin parang gusto mo tawanan sarili mo kasi bakit ka umiyak at dahil umiyak ka magang maga mata mo. Pero ang gusto ko para sa’yo (sige na nga, para narin sa akin), yang mga luha na papatak galing sa mga magaganda mong mata (Oo, maganda mga mata mo) eh maging luha ng kasiyahan. Eh kung luluha ka sa saya eh isama mo narin ang sakit ng tyan kasi magkasama talaga yan kapag humahalakhak ka sa tawa tapos maiiyak ka sa saya eh sasakit narin ang tyan mo tapos hindi ka pa makakahinga (Maghanda ka narin ng inhaler kung may hika ka). Pero oo, hindi natin mapipigilang lumuha sa sakit, parte ng buhay yan e. Pero tandaan mo palagi na may kaibigan kang handa kang patawanin, may luha man o wala. Sa mga kaibigan mo lang mahahanap ang tunay na kasiyahan, luha ng kasiyahan.

Kaya tignan mo, ganito na ako kasaya ngayon... :D :D :D






Eh ikaw, kalian nga ba ang huling beses na umiyak ka sa kakatawa?

May Dahilan ang Lahat


Meron lang talagang panahon na may mga bagay na kailangang mawala sa buhay mo. Posibleng pansamantala lang o pangmatagalan na. Nakakatakot ba? Hahaha. Naaalala mo ba ngayon yung mga bagay o tao na nawala sa buhay mo? Mahahalagang bagay na hindi ganun kamahal pero may halaga sa puso mo na walang halaga sa mata ng iba. Mahahalagang tao sa buhay mo, kadugo mo man o hindi. Ngayong naaalala mo na yung mga bagay o taong yon, naiisip mo ba yung mga possible o totoong dahilan ng pagkawala nito? Maaaring sobra kang napalapit, nagkulang ka, napabayaan mo o nagkamali ka ng pinagkatiwalaan ng tao sa paglaan ng bagay na iyon. 

Naaalala ko yung isang beses na nawala ko yung baho (bass guitar) ko. Madalas kong iniiwan sa simbahan yung baho ko (O diba, kitang-kita na masyado akong magpagkatiwala) dahil nahihirapan akong ibyahe siya linggo-linggo para sa ensayo. Isang araw, pagdating ko sa simbahan, pumasok ako sa silid kung saan ko palagi iniiwan yung baho ko, pagtingin ko, wala na yung baho ko! Akala ko inuwi ko pala siya sa bahay pero hindi! (Pasensya na, pero aaminin ko na bata palang ako ulyanin na ako) Nag-aalala at kinakabahan na ako kasi nandun yung mga cable ko na pinaghirapan kong pag-ipunan, pranela, mga baon na strings at strap. Naiiyak na ako sa lungkot kasi kaisa-isang baho ko lang iyon at mahal na mahal ko ‘yon. Kulay itim ang baho ko, itim lahat at may neon DR strings. Sinabi ng kaibigan ko na pahihiramin niya ako ng isa sa mga baho niya pangsamantala habang hindi ko pa Makita yung akin, sabi ko hindi na, mag-iipon nalang ako. Habang umiiyak ako lumapit siya, binigyan niya ako ng keychain na itim na gitara, naiyak ako lalo kasi namimiss ko na yung baho ko. Pagkatapos, may lumapit sa akin sabay sabi na nahanap na nila ang baho ko! Dinala nila sa loob ng silid, pagpasok ko nakita ko yung kaha ng gitara ko at nandoon siya sa loob! Walang tama o gasgas! Grabe, nakahinga ako ng maluwag doon kasi akala ko hinding-hindi na ito babalik sa akin. Tinrato kong tao ang baho ko, nililinisan ko siya, pinupunasan at inaalagaan.


Alam kong maiintindihan ako ng mga kaibigan ko kasi lahat sila musikero! Pero kung hindi ka naman tumutugtog, malulungkot ka pero hindi mo mararamdaman yung nararamdaman ko. Diba? Nakita ko yung pagkakamali ko pagkatapos ko Makita uli yung baho ko, masyado akong nagtiwala sa sarili ko na hindi siya mawawala kapag iiwan ko lang siya, napabayaan ko din siya dahil palagi ko siyang iniiwan. Naisip ko, kung tao yung baho ko, hindi kami magiging matalik kung palagi ko siyang iniiwan at masakit iyon.


Hindi lang bagay ang nawawala sa buhay natin, tao din. Nawalan na ako ng mahal sa buhay.  At hindi purket nawala, pumanaw na. Naiintindihan mo? Dapat maintinidihan mo. Yung taong nawala sa’yo eh yung taong nakakausap mo sa telepono sa gitna ng gabi na bumabagyo, kausap mo hanggang alas-singko ng umaga, nagagalit sa’yo pagnapapabayaan mo sarili mo, sinasabihan mo ng kung anong bagay na tumatakbo sa isip mo, mala-kabute ang pagsulpot o kasing bilis ni Flash ang pagsagi sa isip mo. Maaaring mawala ang tao, pero ang nararamdaman mo para sakanya ay hindi mawawala. Oh diba? May mga bagay o tao sa buhay natin na mawawala ng ilang minuto, oras, araw, buwan o taon sa buhay natin pero sinisiguro kong babalik at babalik sa atin iyon. Hanggang may tiwala ka na babalik iyon, babalik iyon.  Parang baho ko lang yon, humagulgul ka sa kaiiyak dahil nawala, pero paglingon mo, nandyan na’t hinihintay ka na.


Ano, may mga naaalala ka na ba?

Saturday, February 18, 2012

Just a Thought (2009)

Well.... We all know what happened to Whitney Houston... Because of that, I remembered a short article I wrote 3 years ago for the school paper in GCF-ICS (Where I finished high school.). It was actually the year when "The Master Rapper" Francis Magalona passed away. Sooooooo.... Here it goes....


                                                                     Just a Thought

          I'm sure you all know Francis "The Master Rapper" Magalona (if you don't, you must've been living under a rock). He passed away last March 7, 2009, Saturday, due to leukemia which he was diagnosed to have had since 2008. Many people supported him while he was still sick. Every Filipino knew how much Francis M. had contributed in the Philippine entertainment industry. 


        When Francis passed away, we we were all aware that many people who idolized him had eyes brimming with tears. What caught my attention was the fact that the Filipinos seemed so united when he died. It was as if they all had one heart and one mind as they remembered their fondest memories of the rapper. Unity because of one man when he died. Amazing, huh? Wouldn't it be just as great for Christians to exhibit that kind of unity? I mean, Christ died too, right?


        When Francis died, many people started wearing his products and news about him traveled all over the place. He was the talk of the town. Maybe as Christians, we could also make Jesus the talk of the town. 




I know I'm not a writer. Don't mind it. HAHA. What's important is you're getting what I'm trying to say (Well I do hope you get me). Anyway, years passed after I remembered I wrote an article like this. Then something similar just happened after three years.  Now Michael Jackson, Whitney Houston and other celebrities and public figures passed away, I had the same thought in mind again and again... Would you also think of the same way as I did three years ago?

Sunday, November 27, 2011

SuZooBic

Bumyahe kami ng Byernes ng gabi (Nobyembre 25, 2011).

Bago bumalik sa realidad bukas dahil may defense ako sa English class.. NagSubic kami ng pamilya ko.  Di ko alam kung bakit yun ang petsang pinili ng nanay ko. Malamang pagod kaming lahat pagkadating sa hotel dahil ala-una na ng madaling araw ng makarating kami ng Subic. Medyo naligaw pa kami dun dahil malabo ang mapa ng hotel.

Nagisigising na kami ng 8:30-9:00am ng Nobyembre 26, 2011. Hindi namin natikman yung Chinese restaurant ng Venezia Hotel kung saan kami natutulog.

Dahil tanghali na kami gumising, nagbrunch nalang kami sa Chowking malapit sa Puregold Subic. Sabi kasi ng kuya ko dyan nalang kumain dahil gutom na at hindi na makapag-isip ng maayos. Pagkatapos magbrunch doon, dumeretso kami ng PTT gas station at nagtanong kung saan ang Zoobic Safari. Nagtanong kami sa isang gas boy at sakto binigyan niya kami ng 20% per head discount card para sa entrance ng Zoobic Safari. Galing talaga ni Lord. Mga 10 discount cards iyon, 3 lang ang nagamit namin dahil dalawang tao ang may discount per card. Pinamigay na namin sa ibang pamilya yung 7. Pareho lang pala ng daan ng Ocean Adventure ang Zoobic Safari. Pagdating namin doon, akala namin wala masyadong tao. Sobrang dami pala! Field trip din pala ng mga ibang eskwelahan.




Ganito kalaki yung nilibot namin. Ganito kalaki yung zoo.


Naglakad muna kami tapos sumakay kami sa ganito.. Meron din ganito na sinakyan namin pero black and white naman siya parang zebra. Yun yung sinakyan namin nung umiikot na pero hindi ko nakuhanan kasi nakalimutan ko. Hahaha pasensya na.
Nakakita kami ng iba-ibang ibon. Iba-ibang pusa. May Aeta. May ahas. May ostrich. May baboy damo. May crocodile. May iguana. May manok. May donkey. May kambing. May kabayo.



Tuwang-tuwa nanay ko ng makakita siya ng ganito...




At ang kuya ko naman naaliw sa isang Bear Cat.


Syempre ako din. Kambing ba to o tupa? Hahaha. Natakot akong hawakan pero ang lambot niya pala parang bulak pero parang nagbubuhat ka lang ng aso. Ang labo. 




Merong lugar doon na pakiramdam ko nasa Madagascar kami. Hahaha. Yung movie lang hindi yung Madagascar sa Africa mismo. Napanood ko sa National Geographic Channel yun natakot ako sa mga ibang insekto eh. Hindi lang dengue eh. Hahaha. :D





Mahigit apat o limang oras kami doon sa Zoobic dahil malaki yung lugar na inikot namin.  Pagkatapos sa Zoobic Safari, mga bandang 6pm na. Umalis na kami para magdinner sa Meat Plus Cafe. Masarap siya at mabigat. Pinili ko yung side dish na The Bomb. Akala ko kung ano yun baked potato with garlic pala siya pero ang sarap niya. 


Kinain ko yung Grilled Chicken Steak with rice and soup nila at sulit naman siya sa presyo.


Kaya heto, knockout kaming lahat dito sa bahay. Lunes at pasok nanaman bukas. Balik trabaho. Balik eskwela.


~

Natutuwa ako kahit dalawang gabi lang kami sa Subic. Bihira lang kami ulit bumyahe ng ganun. Nakakabless kasi nakikita kong masaya ang pamilya ko kahit minsan at nagkakasama kami. Hindi ako nagsising sumama ako at nagbakasyon kahit sandali dahil pagdating nitong linggong ito, marami na akong kailangang gawin sa eskwelahan. Ma-stress na sa kung ma-stress. Basta ako naging masaya ang linggo ko dahil sa pamilya ko at nakarating kami ng Subic ulit.




Maraming salamat. Magandang gabi.


~ ~ ~ 

Monday, November 21, 2011

Hindi Biro ang Dengue

Nakaranas na ako ng dengue.


Hindi siya masaya.


PRAMIS.


Isang linggo ako nakulong sa ospital at hindi nakapasok sa eskwelahan dahil sa dengue (isang linggo narin ang lunes hanggang sabado)


ika-11 ng Nobyembre, 2011, Biyernes nasa main ako ng CSB dahil doon ang PE namin (Pasensya naman wala pang Gym ang SDA.) Maglalaro daw dapat ang mga babae ng basketball kaso ayaw ng kabilang section makipaglaro. Volleyball daw ang gusto nila. Nagwawarm up pa naman ako nun dahil kaka-gym ko lang nung Huwebes. Pagkatapos dumeretso kami ng canteen para kumain at gumawa ng takdang-aralin para sa major subject.


Ilang oras ang lumipas, sumakit na ang ulo ko at nagsimula na akong lagnatin. Meron pa ngang Benildean Scholar's Fair na kailangan ko rin puntahan dahil scholar ako. Eh ang nangyari, pagpumunta ka sa fair na 'yon, bawal ka na lumabas ng school, kung di, huhulihin ka ng mga gwardya. Ayun lang. Sobrang sama na ng pakiramdam ko at di ko na kakayanin tapusin ang fair na iyon. Nakakalungkot at nakakatawang sabihing nagawa kong tumakas doon.


Nakatakas ako.


Pero hindi parin bumababa ang lagnat ko.


Pagdating ko sa condo namin, nilapitan ko agad ang tatay ko sabay sabing, "Pa, ang init ng pakiramdam ko." Ayun lang, may ensayo ako ng mga banda ko dahil kinabukasan na ang UP Ame Monogatari (Isang anime convention na mga taga UP ang nag-organize.) 5:30pm na at masama parin ang pakiramdam ko, 8pm magkikita-kita sa Mcdo Alabang, ang nag-iisang lugar kung saan kami palagi magkikita tuwing may ensayo. 7pm na at mataas parin ang lagnat ko. Ilang oras din ay tumawag na si Migs, ang drummer ng banda, sinabi niyang huwag na akong mag-ensayo, magpahinga nalang daw ako. Hindi na ako umangal dahil baka mamaya kung ano pa ang mangyari sa akin.


Sabado na.


ika-12 ng Nobyembre, 2011. Sabado.


Araw na ng UP Ame. Sobrang masama parin ang pakiramdam ko. Hindi bumababa ang lagnat ko. Nagpasya ang magulang ko na ako'y hahabol nalang sa gig at pagkatapos tumugtog ay dederetso na kami sa ER ng Manila Doctors Hospital. Pagdating ng hapon, nakadating din kami ng mga magulang ko sa World Trade Center. Nilalamig ako nung nandoon na ako sa World Trade Center, medyo nakakahilo pa dahil sobrang daming tao at mausok. Ayan na, dumating narin ang oras na tutugtog na kami. Pawis na pawis ako pagkatapos tumugtog. Akala ko bababa na ang lagnat ko dahil pinagpawisan na ako ng todo, pero hindi parin. Sobrang mainit parin ng pakiramdam ko. Pagkatapos tumugtog dumeretso na kami agad sa Manila Doctors Hospital.


EPIC FAIL ANG NANGYARI DOON.


Dahil UTI ang nakita ng doktor, binigyan ako ng antibiotic na wala naman nangyari sa akin. Pagtapak ng Lunes, bumalik kami sa Manila Doctors para magpacheck up na sa Pedia ko.
Oo, nakakatawang sabihin na pedia pa ako masaya ako na pedia pa ako. Yun nga lang, sakitin ako.. 


ika-14 ng Nobyembre, 2011. Lunes.
Pagsugod ng Manila Doctors, paghintay sa doktor ko, pina-admit na agad ako ng doktor ko dahil tingin palang daw, dengue na. Mataas kasi ang lagnat ko, may rashes pa ako sa mukha. Senyas na daw talaga ng dengue 'yon.


Nakakainis ang kwento ng pagdextrose sa akin. Dalawang beses silang nagkamali ng pag-insert dahil nahihirapan silang makita ang mga ugat ko. Ito pa, adult butterfly pa ang gamit. Eh doon sa pangatlong subok, pang-bata ang butterfly na nakakabit sa akin. Masakit talaga. Ayoko nang magkwento baka mahimatay ka lang. Maiimagine mo pa eh.


Isang linggo akong nasa ospital, isang linggo ding walang telebisyon, isang linggo akong hindi pumasok sa eskwela. Isang linggo akong nakakulong. Parang ginusto ko narin yung pagkakaroon ko ng dengue dahil kahit papaano nakapagpahinga ako (di ako nag-iisip, di ako kumikilos.) Pero namimiss ko ang mga taong nakakasama ko ng madalas.


Ang sarap pala ng pakiramdam ng dinadalaw ka.


dahil alam mong mayroong nagmamahal sa'yo. Maraming salamat Chino at Magoo sa pagdalaw, sa'yo narin, Irving. Kahit sa Skype lang kita nakausap. Ang taba mo na. Hehe. Maraming salamat, Ate Jean at dinalaw mo ko. Maraming salamat sa stuffed toy na Lion na may puppy eyes. Ang pangalan ng Lion ay si Xavee. Ngayon lang ako nakakita ng Lion na may puppy eyes. Ang cute niya. Maramiang salamat, Ate. :D


Masakit ang rashes ng Dengue.


Sa ikatlo o ikaapat na araw, nagsimulang mangati ang mga paa ko paakyat sa katawan. Binigyan ako ng gamot ng nurse, Iterax ang pangalan. Sabi ng nurse pangpatanggal daw ito ng kati at pangpatulog. Ininom ko ang gamot na iyon, lumala ang pagkati ng katawan ko. Tinaas ng doktor ang dosage ng gamot, tumaas din ang kati ng katawan ko. Dumating sa punto na umiiyak ako dahil sa kati. Oo, para akong bata  dahil umiiyak ako.


Araw-araw akong kinukuhanan ng dugo para ma-monitor ang platelets ko.


Pagdating ng ikaapat na araw, wala na akong nararamdaman tuwing tutusukan ako para kuhanan ng dugo. Akala ko di ka pa tinutusukan, pero tapos na pala.


ika-19 ng Nobyembre, 2011. Sabado. Happy Birthday, Chino Bartolome.


186 na daw ang platelet ko. Maaari na daw akong makalabas. Yahoo! Discharged na ako.


ika-20 ng Nobyembre, 2011. Linggo.


 Welcome back to GCF.
Natutuwa akong makita ang mga taga GCF. Lalo na si James, Bea at iba pa. Natuwa ako lalo ng nilibre ako ni James ng Real Leaf. Maraming salamat. *kacha!* May mga ibang hindi nalaman na nadengue ako. Pero sobrang nagpapasalamat ako na nararamdaman ko ang pagmamahal niyo kahit hindi kayo nakadalaw. Ang sarap ng pakiramdam na nakasimba ka ulit at nakita mo ang mga kapatid mo sa Diyos.


Balik realidad.
 ika-20 ng Nobyembre, 2011.


Na-touch ako sa mga kaklase ko ng lahat sila'y biglang sumigaw ng "TIN!!" ng bigla akong pumasok sa kwarto. Lalo akong na-touch ng ang kaklase kong si James (James Ronquillo, gitarista ng Not Informed.) Iadvertise na kita, James ah! , nung bigla niya akong tinawag at sinabi niya sa akin ay, "Pinagpray kita." Ang swerte ko naman at may kaklase akong katulad niya.


Masaya akong nakabalik na ulit ako sa eskwelahan, pero tambak nanaman ako ulit ng mga trabaho sa school. 




Gusto kong magpasalamat sa mga nagdasal, dumalaw,at sa mga hindi napagod kamustahin ako ng ako'y may sakit pa.


Maraming salamat, kaibigan.






Mahal ko kayo. :)

Wednesday, April 6, 2011

2011

***Matagal na akong hindi nakakapagsulat. Ilang buwan narin ang nakalipas nang huli akong nagsulat ng tula. Itong tulang ginawa ko ay para sa taong mahalaga sa buhay ko. Salamat, maraming salamat at naging parte ka ng storya ko, ng buhay ko. Mahal na mahal kita.***




Ilang buwan nagtiis
Puro  sugat at sakit
Ang naranasan ng puso kong paslit
Hindi na kinaya
Ang bawat kirot na dinadala
Puso’y nagpasyang magpakalayo

Isang araw ako’y gumising
Puso mo’y biglang dumating
Kinakatok ang lumuluhang ito
Iyong ginamot
At tinulungan akong pulutin
Ang bawat bubog ng basag nito

Binaybay ng puso mo ang “Mahal Kita”
Nang walang binibigkas na salita
Aking mata’y ngumiti
Luha nito ay iyong pinawi
Sa iyong pagmamahal ako’y nalulunod
At sana hindi ka mapagod

Sana ito’y iyong malaman at matandaan
Na ako ay nandito lang, nandito parin
Patuloy na nagmamahal sa’yo
Kailanma'y hindi magbabago