Monday, November 21, 2011

Hindi Biro ang Dengue

Nakaranas na ako ng dengue.


Hindi siya masaya.


PRAMIS.


Isang linggo ako nakulong sa ospital at hindi nakapasok sa eskwelahan dahil sa dengue (isang linggo narin ang lunes hanggang sabado)


ika-11 ng Nobyembre, 2011, Biyernes nasa main ako ng CSB dahil doon ang PE namin (Pasensya naman wala pang Gym ang SDA.) Maglalaro daw dapat ang mga babae ng basketball kaso ayaw ng kabilang section makipaglaro. Volleyball daw ang gusto nila. Nagwawarm up pa naman ako nun dahil kaka-gym ko lang nung Huwebes. Pagkatapos dumeretso kami ng canteen para kumain at gumawa ng takdang-aralin para sa major subject.


Ilang oras ang lumipas, sumakit na ang ulo ko at nagsimula na akong lagnatin. Meron pa ngang Benildean Scholar's Fair na kailangan ko rin puntahan dahil scholar ako. Eh ang nangyari, pagpumunta ka sa fair na 'yon, bawal ka na lumabas ng school, kung di, huhulihin ka ng mga gwardya. Ayun lang. Sobrang sama na ng pakiramdam ko at di ko na kakayanin tapusin ang fair na iyon. Nakakalungkot at nakakatawang sabihing nagawa kong tumakas doon.


Nakatakas ako.


Pero hindi parin bumababa ang lagnat ko.


Pagdating ko sa condo namin, nilapitan ko agad ang tatay ko sabay sabing, "Pa, ang init ng pakiramdam ko." Ayun lang, may ensayo ako ng mga banda ko dahil kinabukasan na ang UP Ame Monogatari (Isang anime convention na mga taga UP ang nag-organize.) 5:30pm na at masama parin ang pakiramdam ko, 8pm magkikita-kita sa Mcdo Alabang, ang nag-iisang lugar kung saan kami palagi magkikita tuwing may ensayo. 7pm na at mataas parin ang lagnat ko. Ilang oras din ay tumawag na si Migs, ang drummer ng banda, sinabi niyang huwag na akong mag-ensayo, magpahinga nalang daw ako. Hindi na ako umangal dahil baka mamaya kung ano pa ang mangyari sa akin.


Sabado na.


ika-12 ng Nobyembre, 2011. Sabado.


Araw na ng UP Ame. Sobrang masama parin ang pakiramdam ko. Hindi bumababa ang lagnat ko. Nagpasya ang magulang ko na ako'y hahabol nalang sa gig at pagkatapos tumugtog ay dederetso na kami sa ER ng Manila Doctors Hospital. Pagdating ng hapon, nakadating din kami ng mga magulang ko sa World Trade Center. Nilalamig ako nung nandoon na ako sa World Trade Center, medyo nakakahilo pa dahil sobrang daming tao at mausok. Ayan na, dumating narin ang oras na tutugtog na kami. Pawis na pawis ako pagkatapos tumugtog. Akala ko bababa na ang lagnat ko dahil pinagpawisan na ako ng todo, pero hindi parin. Sobrang mainit parin ng pakiramdam ko. Pagkatapos tumugtog dumeretso na kami agad sa Manila Doctors Hospital.


EPIC FAIL ANG NANGYARI DOON.


Dahil UTI ang nakita ng doktor, binigyan ako ng antibiotic na wala naman nangyari sa akin. Pagtapak ng Lunes, bumalik kami sa Manila Doctors para magpacheck up na sa Pedia ko.
Oo, nakakatawang sabihin na pedia pa ako masaya ako na pedia pa ako. Yun nga lang, sakitin ako.. 


ika-14 ng Nobyembre, 2011. Lunes.
Pagsugod ng Manila Doctors, paghintay sa doktor ko, pina-admit na agad ako ng doktor ko dahil tingin palang daw, dengue na. Mataas kasi ang lagnat ko, may rashes pa ako sa mukha. Senyas na daw talaga ng dengue 'yon.


Nakakainis ang kwento ng pagdextrose sa akin. Dalawang beses silang nagkamali ng pag-insert dahil nahihirapan silang makita ang mga ugat ko. Ito pa, adult butterfly pa ang gamit. Eh doon sa pangatlong subok, pang-bata ang butterfly na nakakabit sa akin. Masakit talaga. Ayoko nang magkwento baka mahimatay ka lang. Maiimagine mo pa eh.


Isang linggo akong nasa ospital, isang linggo ding walang telebisyon, isang linggo akong hindi pumasok sa eskwela. Isang linggo akong nakakulong. Parang ginusto ko narin yung pagkakaroon ko ng dengue dahil kahit papaano nakapagpahinga ako (di ako nag-iisip, di ako kumikilos.) Pero namimiss ko ang mga taong nakakasama ko ng madalas.


Ang sarap pala ng pakiramdam ng dinadalaw ka.


dahil alam mong mayroong nagmamahal sa'yo. Maraming salamat Chino at Magoo sa pagdalaw, sa'yo narin, Irving. Kahit sa Skype lang kita nakausap. Ang taba mo na. Hehe. Maraming salamat, Ate Jean at dinalaw mo ko. Maraming salamat sa stuffed toy na Lion na may puppy eyes. Ang pangalan ng Lion ay si Xavee. Ngayon lang ako nakakita ng Lion na may puppy eyes. Ang cute niya. Maramiang salamat, Ate. :D


Masakit ang rashes ng Dengue.


Sa ikatlo o ikaapat na araw, nagsimulang mangati ang mga paa ko paakyat sa katawan. Binigyan ako ng gamot ng nurse, Iterax ang pangalan. Sabi ng nurse pangpatanggal daw ito ng kati at pangpatulog. Ininom ko ang gamot na iyon, lumala ang pagkati ng katawan ko. Tinaas ng doktor ang dosage ng gamot, tumaas din ang kati ng katawan ko. Dumating sa punto na umiiyak ako dahil sa kati. Oo, para akong bata  dahil umiiyak ako.


Araw-araw akong kinukuhanan ng dugo para ma-monitor ang platelets ko.


Pagdating ng ikaapat na araw, wala na akong nararamdaman tuwing tutusukan ako para kuhanan ng dugo. Akala ko di ka pa tinutusukan, pero tapos na pala.


ika-19 ng Nobyembre, 2011. Sabado. Happy Birthday, Chino Bartolome.


186 na daw ang platelet ko. Maaari na daw akong makalabas. Yahoo! Discharged na ako.


ika-20 ng Nobyembre, 2011. Linggo.


 Welcome back to GCF.
Natutuwa akong makita ang mga taga GCF. Lalo na si James, Bea at iba pa. Natuwa ako lalo ng nilibre ako ni James ng Real Leaf. Maraming salamat. *kacha!* May mga ibang hindi nalaman na nadengue ako. Pero sobrang nagpapasalamat ako na nararamdaman ko ang pagmamahal niyo kahit hindi kayo nakadalaw. Ang sarap ng pakiramdam na nakasimba ka ulit at nakita mo ang mga kapatid mo sa Diyos.


Balik realidad.
 ika-20 ng Nobyembre, 2011.


Na-touch ako sa mga kaklase ko ng lahat sila'y biglang sumigaw ng "TIN!!" ng bigla akong pumasok sa kwarto. Lalo akong na-touch ng ang kaklase kong si James (James Ronquillo, gitarista ng Not Informed.) Iadvertise na kita, James ah! , nung bigla niya akong tinawag at sinabi niya sa akin ay, "Pinagpray kita." Ang swerte ko naman at may kaklase akong katulad niya.


Masaya akong nakabalik na ulit ako sa eskwelahan, pero tambak nanaman ako ulit ng mga trabaho sa school. 




Gusto kong magpasalamat sa mga nagdasal, dumalaw,at sa mga hindi napagod kamustahin ako ng ako'y may sakit pa.


Maraming salamat, kaibigan.






Mahal ko kayo. :)

No comments:

Post a Comment