Tuesday, October 9, 2012

Dalawang Magkaibang Pag-Ibig

May proyekto ako sa FILIPINO11 ngayong pangalawang termino ng taong 2012-2013. Kailangan namin gumawa ng 4 na taludtod at 4 na saknong na tula tungkol sa mga paksang ibibigay ng aming propesor at pipili lamang ng isa. Ang paksang aking pinili ay pag-ibig 
(Ano pa nga ba). At ito ang aking tula. *BOW*

Para sa mga taong nagtitiis, sa mga walang humpay na pagmamahal kahit gaano pa kasakit, sa mga martyr, sa mga Abangers, sa mga nasasaktan dahil hindi IKAW ang kasintahan nila at nakikita mo silang nasasaktan at nahihirapan, sa mga taong patuloy na nagtatago ng kanilang tunay na nararamdaman.

Ang dahilan ng iyong kasiyahan
Ang dahilan ng iyong kalungkutan
Ano nga ba ang tunay na nararamdaman
Mananatili ka ba sa pagtuloy na kabiguan?


Bumangon ka, sumulong ka
Piliin mo kung ano ang tama
Piliin mo kung saan ka sasaya
Magiging balimbing ka nalang ba sa dalawa?


Sa bawat oras na lumilipas
Sa bawat alaalalang unti-unting kumukupas
Pag-ibig noon na nauuwi sa pagtawa
Ay ngayong laging nalulunod sa luha


Itigil mo na ang kalungkutang ito,
Napapagod na akong makita ang pagdusa mo,
Ang gusto ko lang ay maging malaya ka
Dahil alam kong liligaya ka sa iba.





-Christine Caberto, 2012

No comments:

Post a Comment