Bumyahe kami ng Byernes ng gabi (Nobyembre 25, 2011).
Nagisigising na kami ng 8:30-9:00am ng Nobyembre 26, 2011. Hindi namin natikman yung Chinese restaurant ng Venezia Hotel kung saan kami natutulog.
Dahil tanghali na kami gumising, nagbrunch nalang kami sa Chowking malapit sa Puregold Subic. Sabi kasi ng kuya ko dyan nalang kumain dahil gutom na at hindi na makapag-isip ng maayos. Pagkatapos magbrunch doon, dumeretso kami ng PTT gas station at nagtanong kung saan ang Zoobic Safari. Nagtanong kami sa isang gas boy at sakto binigyan niya kami ng 20% per head discount card para sa entrance ng Zoobic Safari. Galing talaga ni Lord. Mga 10 discount cards iyon, 3 lang ang nagamit namin dahil dalawang tao ang may discount per card. Pinamigay na namin sa ibang pamilya yung 7. Pareho lang pala ng daan ng Ocean Adventure ang Zoobic Safari. Pagdating namin doon, akala namin wala masyadong tao. Sobrang dami pala! Field trip din pala ng mga ibang eskwelahan.
Ganito kalaki yung nilibot namin. Ganito kalaki yung zoo.
Naglakad muna kami tapos sumakay kami sa ganito.. Meron din ganito na sinakyan namin pero black and white naman siya parang zebra. Yun yung sinakyan namin nung umiikot na pero hindi ko nakuhanan kasi nakalimutan ko. Hahaha pasensya na.
Nakakita kami ng iba-ibang ibon. Iba-ibang pusa. May Aeta. May ahas. May ostrich. May baboy damo. May crocodile. May iguana. May manok. May donkey. May kambing. May kabayo.
Tuwang-tuwa nanay ko ng makakita siya ng ganito...
At ang kuya ko naman naaliw sa isang Bear Cat.
Syempre ako din. Kambing ba to o tupa? Hahaha. Natakot akong hawakan pero ang lambot niya pala parang bulak pero parang nagbubuhat ka lang ng aso. Ang labo.
Merong lugar doon na pakiramdam ko nasa Madagascar kami. Hahaha. Yung movie lang hindi yung Madagascar sa Africa mismo. Napanood ko sa National Geographic Channel yun natakot ako sa mga ibang insekto eh. Hindi lang dengue eh. Hahaha. :D
Kaya heto, knockout kaming lahat dito sa bahay. Lunes at pasok nanaman bukas. Balik trabaho. Balik eskwela.
~

Mahigit apat o limang oras kami doon sa Zoobic dahil malaki yung lugar na inikot namin. Pagkatapos sa Zoobic Safari, mga bandang 6pm na. Umalis na kami para magdinner sa Meat Plus Cafe. Masarap siya at mabigat. Pinili ko yung side dish na The Bomb. Akala ko kung ano yun baked potato with garlic pala siya pero ang sarap niya.
Kinain ko yung Grilled Chicken Steak with rice and soup nila at sulit naman siya sa presyo.
Kaya heto, knockout kaming lahat dito sa bahay. Lunes at pasok nanaman bukas. Balik trabaho. Balik eskwela.
~
Natutuwa ako kahit dalawang gabi lang kami sa Subic. Bihira lang kami ulit bumyahe ng ganun. Nakakabless kasi nakikita kong masaya ang pamilya ko kahit minsan at nagkakasama kami. Hindi ako nagsising sumama ako at nagbakasyon kahit sandali dahil pagdating nitong linggong ito, marami na akong kailangang gawin sa eskwelahan. Ma-stress na sa kung ma-stress. Basta ako naging masaya ang linggo ko dahil sa pamilya ko at nakarating kami ng Subic ulit.
Maraming salamat. Magandang gabi.
~ ~ ~
Maraming salamat. Magandang gabi.
~ ~ ~