Thursday, March 10, 2011

Mamarcha Na Tayo..

Dati-rati, gustong-gusto na ng klase makatapos ng hayskul at makatapak ng kolehiyo. Nang dumating ang araw na ito, ika-10 ng Marso, 2011, nararamdaman na namin ang katotohanang kami'y lilisan na sa ilang araw o linggong nabibilang. Ngayon ko lang napansin ang mga malalaking pinagbago ng bawat kaklase. Nagsimula sa pisikal, kitang-kita ang pinagbago ng bawat isa, at sa iba't ibang paraan pa. Pinagsamahan ng bawat isa'y lumalim pa. Mga away at hindi pagkakaintindihan, iyon ay isa sa mga nagpatibay sa aming lahat. Mga tugtugan, tawanan at kwentuhang seryoso man o hindi, kailanma'y hinding-hindi makakalimutan. Ilang guro'y pinaiyak, pinahanga at napangiti, habang-buhay nakaukit ang bawat pangalan sa puso. Ilang guro din ang dumating at lumisan, bawat isa'y nag-iwan ng marka sa bawat puso ng estudyante. Banda't teatro, ito'y habangbuhay ay mabubuhay.


Para sa aking mga guro, maraming salamat sa mga naituro niyo sa akin sa loob at labas ng klase, sa mga istorya ng iyong buhay na naipamahagi sa akin, sa aming klase. Walang ibang eskwelahang makakatumbas ng mga gurong katulad ninyo. Maraming salamat sa tawanan at iyakan. Kami'y iyong patawarin sa mga panahong kayo'y aming ginalit at napaiyak, nainsulto, nainis o miski nabastos pa. Kami sana'y inyong patawarin sa mga pagkakamaling aming nagawa.


Para sa aking mga kaklase, maraming salamat sa tawanan, kalokohan at sa ating mga pinagsamahan. Sa oras na tayo'y sabay-sabay kumain, tumawa, at kahit pa'y lumuha. Pagpasensyahan niyo na ako sa mga panahong grabe ang aking paggalit. Patawarin ninyo rin ako sa mga mabibigat na pagkakamaling aking nagawa, ayoko naring isa-isahin iyon. Ako'y nagpapasalamat sa Diyos na kayo ang aking naging kaklase. Walang ibang miyembro ng banda ang pwedeng pumalit sa inyo sa aking puso. Magagaling at talentadong gitarista, keybordista, drummer ang mang-aawit. Mga panahong tayo'y tumatawa at lumuluha tuwing ensayo, at sa mga oras na tayo'y sabay-sabay nagdadasal at nagpapasalamat sa Panginoon.


Jabbawockeez, ang ating una't huling magkakasamang sumayaw. Maraming salamat. Hindi ko makakalimutan ang tawanan at ang pagtindi ng ating chemistry habang tayo'y nageensayo at sumasayaw na mismo sa palabasan.


Illuminati, kayo ang isa sa mga grupo sa klase na nagpapasaya sa araw ko. Lalo ka na, Kurt, ang pagkainit ng ulo mo, panalo talaga. Ang pagsakay ng bawat isa sa trip ng klase, sa tuksuhan, pinasaya niyo ako. Kayo'y habang buhay na Illuminati sa buhay ko: Kurt, Greg, JM at Edward. Si Leandro umiIlluminati narin eh.


Brotherhood, ang kabanda ko. Maraming salamat sa mga impluwensya ng musika. Lalo na ang Depapepe. Bawat isa'y nakita nang umiyak at tumawa. Maraming salamat sa oras na tayo'y sabay na naggigitara, nagkakapaan ng kanta, lahat. Nagpapasalamat ako sa Panginoon na binigyan Niya ako ng banda na ganito. Habang buhay kayo'y mabubuhay sa aking puso. Malapit man o malayo.


At sa lahat ng naging bahagi ng aking buhay sa paaralang ICS, na ngayo'y kinikilala nang SMCS, maraming salamat sa lahat. Sa iyakan, tawanan, mga bagay na inyong tinuro, at sa kalokohan. Alam niyong hindi ko kayo makakalimutan. Hindi ko man kaya isa-isahin lahat ng naibahagi niyo sa akin, alam niyo paring hindi ko kayo makakalimutan hanggang sa pagtapak at pagtapos ko ng kolehiyo. 


MARAMING SALAMAT.







Hanggang sa muli,







Tin Caberto

No comments:

Post a Comment