Ilang taon na ang nakaliipas...
Napahinto ang tibok ng puso at takbo ng mundo ng isang araw ay biglang nakita ang larawang ito..
Hindi alam ang gagawin..
Hindi alam ano'ng sasabihin..
Biglang naalala ang nakaraan..
Galaw ng oras ay huminto..Sarado na ang pinto..
Puso'y napaisip..Biglang sabi ng puso ay.."Sana tayo nalang ang nasa larawang ito.."
O kaya...
"Kahit naging masinsinan man lang sana ang huling pag-uusap.."
Wala ng magagawa pa..Dahil ito'y tapos na..
Ito'y nangyari na..
Ako ay binatukan ng katotohanan..
At sinabi sa sariling tanggapin na..Tanggapin nalang..
Tanggapin na ang nilalaman ng larawan...
Puting damit, belo, tungkos ng puting bulaklak, kurbatang itim, balat na sapatos.. Ito ang nilalaman ng larawang aking nakita..
Alaala'y tinangay na ng hangin..
Puso mo'y masaya na sa kanyang piling..
Sa kabila ng lahat...
Ang mga puno'y patuloy sa pagsayaw..Ang mga ibon ay patuloy lang sa pagkanta..
At ang araw ay patuloy ang pagsikat..
Heto ako, patuloy ang paglakbay sa buhay..
Patuloy ang paghanap ng masasayang kulay..
Patuloy ang paghanap ng masasayang kulay..
No comments:
Post a Comment