Naaalala mo ba yung huling beses na
umiyak o lumuha ka? Ano ang dahilan nito? Masaya ba ito, malungkot, nakakainis,
nakakatawa o ano? Madaming dahilan ang pagluha ng isang tao. Maaaring lumuha ka
kasi nasugatan ka, naluha ka sa saya, sa sakit ng tyan mo, sa sobrang kati ng
isang parte ng katawan mo pero hindi mo pwede kamutin kasi magsusugat, kapag
may naaalala kang magandang alaala kasama ang isang matalik na kaibigan at
marami pang iba. Madami. Sobrang dami. Posibleng hindi ko maiisip ang iba pero
naiisip mo ngayon habang binabasa mo ito. Yung iniisip mo ba ngayon eh
magandang alaala ba yan? O masamang alaala pero tinatawanan mo nalang ngayon
kasi bata ka pa noon? Maraming beses na ako umiyak dahil nawalan ako ng mahal
sa buhay. Nawalan ako ng pera (oo, mahirap mag-ipon), ng kapatid, ng aso, ng
paboritong damit, at marami pang iba. Maaaring walang halaga sa’yo yung mga iba
kong binanggit, pero sobrang mahalaga iyon sa akin tuwing naaalala ko. Pero
naisip mo ba na yung mga bagay na iniyakan mo eh ang magbibigay ng lakas sa’yo
para harapin ang bukas?
Masakit mawalan ng kapatid na
babae, lalo na kung yung isa nasa malayo, yung isa wala na tapos may dalawa
kang kapatid na lalake (Oo ako yun.) Kasi walang makakaintindi sa’yo kapag
gusto mo ng girl talk tapos wala pa
palagi nanay mo kasi madaming ginagawa sa trabaho. Natutuwa nga ako na madami
akong ate ngayon eh. Mga ate ko sa Diyos. Sobrang marami akong natutunan
sakanila, tungkol man yan sa anime o sa buhay. Sila Ate Ardee, Hannah, Micah, Yanee, Jabba, Ria, at Anna (kasama narin si Macky at si Chino, ang Ghost Sisters ng buhay ko).
Ang sarap tumawa pagkasama mo sila. Parang walang bukas, makakalimutan mo ang
realidad mo bilang estudyante o bilang empleyado ng isang malaking kompanya.
Ang sarap nilang kausapin kasi gugustuhin at gugustuhin mo rin malaman kung ano
ang mga iniisip nila, seryoso man yan o nakakatawa. Nawalan ako ng isang ate,
pero pito (7) o higit pa ang dumating. Lumuluha parin ako hanggang ngayon, pero
lumuluha na ako sa saya. O diba? Hindi mo gugustuhing maging normal pagkasama sila
kasi ikaw mismo mababaliw kung bakit normal. Hahaha. Masarap mag girl talk kasama sila. Pramis. Hindi mo
gugustuhing umuwi na hindi sila kasama.
Nawalan ako ng aso, Shih Tzu,
lalake. Umiyak kami pareho ng kuya ko kasi may sakit siya. Inalagaan lang namin
siya at dinadala sa Animal House sa Alabang para magmaintain ng gamut o anuman
na kailangan niya. Nakakalungkot mawalan ng aso lalo na kung cute at malambing.
Eh ngayon nga e, may mga aso kami ngayon. Oo, mga. Dalawa sila. Isang Labrador
na itim (lalake) at isang walang kamatayang Shih Tzu na babae. San ka pa, di
lang aso meron kami, ibon din. Love birds at tatlong pares ang nandito sa
bahay! May tore na nga kami ng angry birds dito e. Tatlo na kulungan namin ng
mga ibon dito sa bahay. Baboy na nga lang ang kulang para Angry Birds na e. O
diba, luluha nalang ako sa saya kasi
pagtitripan nalang namin yung mga alaga
namin sa bahay kasama ko.
Kung iisipin mo, masakit nga
mawalan pero nakakapagod lumuha ha? Hindi biro ang umiyak. Nakakapagod kaya
humagulgul tapos pagkatapos mo umiyak magang maga mata mo. O diba pagharap mo
sa salamin parang gusto mo tawanan sarili mo kasi bakit ka umiyak at dahil
umiyak ka magang maga mata mo. Pero ang gusto ko para sa’yo (sige na nga, para
narin sa akin), yang mga luha na papatak galing sa mga magaganda mong mata (Oo,
maganda mga mata mo) eh maging luha ng kasiyahan. Eh kung luluha ka sa saya eh
isama mo narin ang sakit ng tyan kasi magkasama talaga yan kapag humahalakhak
ka sa tawa tapos maiiyak ka sa saya eh sasakit narin ang tyan mo tapos hindi ka
pa makakahinga (Maghanda ka narin ng inhaler kung may hika ka). Pero oo, hindi
natin mapipigilang lumuha sa sakit, parte ng buhay yan e. Pero tandaan mo
palagi na may kaibigan kang handa kang patawanin, may luha man o wala. Sa mga
kaibigan mo lang mahahanap ang tunay na kasiyahan, luha ng kasiyahan.
Kaya tignan mo, ganito na ako kasaya ngayon... :D :D :D
Eh ikaw, kalian nga ba ang huling beses
na umiyak ka sa kakatawa?